First
impression - mam’sunget at mam’seryoso… but
as time goes by, hindi naman pala totoo yung first impression lasts. Just say
“hi” and Mam Jenn will turn back at you with a smile :) I admire the way she
answered back every questions thrown by the students. Pag alam nya,alam nya.
Pag hinde,eh di hinde at “I-checheck ko yan”. Nakakatuwa na sya yung taong hindi
nakakalimot sa mga kaibigan nya, dahil parang pag gagawa sya ng exams eh mga
pangalan ng kaibigan nya ang nasa problem solving. Hindi sapat ang isang sem
para makilala pa sya but thanks that once in my life ay natuto ako sa kanya.
July 11, 2011-Monday
…Isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko bilang
estudyante ang araw na ‘to! First quiz namen sa Tax 2 at pasado ako.Bale dalawa
lang naman ang expectations ko nuon, pag hindi ako ang Lowest…Ako ang highest.
Hehe.Yun nalang lage ang iniisip ko para makapasa naman ako. Masaya pala talaga
pag alam mong nag aral ka kaya ka nakapasa. That was the first quiz I don’t
take for granted. Para sa isang estudyanteng bulakbol, ganon ka-HALAGA saken
ang quiz na yun.
Tax 2 has always been a memorable subject to me.
**
Third year 2nd Sem
Shifter: BSA-BSAM
…sir pwede ga po itake yung Comp
10…2 (di pa ako tapos magsalita e.)
“Ah,di
ko alam eh kay mam Macon mo nalang itanong.”
(Ang
pagkasuplado ga nun…nagtatanong lang e parang galit agad!)
MAS 9 - Prof. … (ah..xa pala yun..) Mukang
suplado…mukang mayabang…muka lang naman…
Hindi
sya mukhang teacher e, para syang estudyante…yung estudyante na makikita mong
nakatambay pag vacant time kasama ang mga kaberks nya na mga estudyante rin
tapos mahilig mamuna ng kung anu ano sa paligid nya, tapos malakas mang asar at
manira ng moment ng may moment. Yun ganon. Sya ang prof na kahit isnabin,
namamansin pa din.
Tingin
ko, masaya sya sa pinili nyang propesyon-ang pagtuturo, masaya sya na
naibabahagi ang kanyang nalalaman at masaya sya na ishare yung mga words of
encouragement nya sa panahon na feeling ng mga estudyante ay di na nila kaya at
babagsak na sila.
It’s not the exact words he said in our section but I
just got the thought;
“Wag
mong isipin na basta makapasa ka lang, Isipin mo na maTop para siguradong hindi
ka babagsak.” -- I just did.
**
First
and foremost, Badtrip talaga ako sa kanya nuon. Ipa-drop ga naman ang subject
na naienrol ko na! Gusto ko sya sigawan nuong oras na yun na “sana bago kayo
mag open ng summer subject eh sure na may magtuturo!”Akala ko terror teacher
sya at walang concern sa mga estudyante, pero hindi naman pala. Bilib nga ako
sa effort nya na imotivate ang mga estudyante na mag-aral at makataas sa exam.
Sya
ang pinaka-sweet na Law professor ng CABEIHM!
Hindi lang every Valentine’s Day pwedeng makareceive ng chocolates,
i-top mo lang exam nya, may chocolate kana mula kay sir Zara.
**
Siguro sapat na ang mga salitang ito para idescribe
ang isang iyon.
BrotherhooD
Action
LeaDership
Assertive
Hindi
ko man sya ganon kakilala, basta gusto ko yung pagkaprangka at yung pag amin
nya sa mga bagay na hindi kayang sabihin ng iba.Sabi nga, we cannot please
everybody. Kung tingin ng iba sa kanya eh mayabang, basta ako ay naniniwalang iba ang mayabang sa confident lang.
**
Kung
alam lang daw nya na ganon kahirap ang Accountancy, sana daw eh nag-HRM? o
nag-Tourism nalang sya…?(di ko na matandaan eksaktong sinabi nya) Pero ang
hindi ko makakalimutan ay ang pagmumukha nya noong sinasambit ang mga katagang
iyon. Natatawa lang ako sa kanya.
Bilang
isang estudyante, ramdam ko ang hirap at sakripisyo na ginugugol nya sa
pagbabasa ng sandamakmak na pahina para makapasa este para makaTOP pala. Bilib
ako sa kanya dahil kahit na medyo busy sa study eh may oras pa syang maglaan ng
panahon para sa iba, tumulong sa kapwa, mag-FB at gumala.
Magkaroon man ng kontrabida sa buhay nya, iyon ay patunay lang na
“Ang punong mabunga, binabato talaga!”
**
Kung
hindi siguro ako sumabit sa accounting subjects ko e hindi ko makikilala ang
isang ito. Nagpapasalamat na din ako na sumabit sya sa parehong subjects na yun
dahil kung hinde e walang magpapatahan sa akin nung araw na umiyak ako sa harap
ng gate ng UB.
Masasabi kong siya na ang pinaka-lovable na
taong nakilala ko.Bilib talaga ako sa love life nya. Sa dami ng “ex” nya,
parang pati sya ay nalilito na sa tamang bilang nila. Hindi ko makakalimutan
yung araw este gabi na nagkagulo sa bahay nila at naglabas ng baril ang tatay
nya. Nagulat nalang ako nang gisingin ako ng katabi ko. Kahit harangan ng bala
e walang makakapigil sa kanya na ipaglaban ang tunay na makakapagpasaya sa
kanya. Yun si tOL…matapang… at sya
ang taong hindi mag-iisa dahil madaming nagmamahal sa kanya.
**
Summer 2010
Main Campus
Sya ang
gusto kong maging boardmate… -Stephanie Mae.
Yun
ang sinabi ko sa sarili ko nung unang pagkakataon na makita ko ang makulet at
mahilig mambulisik na batang iyon. Kahit hindi ko pa sya ganon kakilala ay alam
ko na mabait at mapagkakatiwalaan syang tao. Sa kanya ko nakita kung gaano
kahalaga ang paghihirap ng iba para magsumikap ka na makapasa, at dapat
pinaghihirapan, pinagpupuyatan ang mga bagay na gusto mong pagtagumpayan at di
pwedeng patulog-tulog ka lang.
**
Ang
sabi nya, Loner daw sya at “once a
loner, always a loner…” (Eh bat naman kaya?)
Madalas senti…yung parang laging mukang nabasted pero
pag naman may mga kasama sya, parang hindi nauubusan ng kwento kaze daldal ng
daldal. Ibang klase magmahal tong isang to ng taong mahal nya! Basta mahirap
idescribe. Few words won’t do kaya isang dosenang clap-clap nalang para sa
kanya.
***
The
End
No comments:
Post a Comment